iPhone 15 Plus: Honest Review


👎 WHAT I DON’T LIKE

The Cameras. 📸 Gáling ako sa 12 Pro Max, at nami-miss ko ang 2.5x telephoto camera no’n. Ang chaka ng 2x digital crop sa 15 Plus, at nag-s-struggle sa low light ang camera setup. Mahilig akong mag-take ng photos ng mga pusa ko, so mas halata kapag chaka ang camera kasi kita kaagad kapag nahihirapan ito sa pag-capture ng detalye ng balahibo nila. Pero kapag putok na putok ang haring araw o kapag kukunin-ka-na-ni-Lord ang level ng pailaw, the 15 Plus can take decent photos. Pagdating naman sa videos, wala nang usap-usap pa, the best pa rin ang iPhone.

🩷 WHAT I LOVE

The Battery. 🔋 Naka-on ang 80% Limit sa Optimized Battery Charging setting ko, which means hanggang 80% lang mag-ch-charge ang phone ko kahit hindi tinatanggal sa saksakan. Pero kahit 80% "lang" ang pinakasagad kong charge, tumatagal ang battery ko nang isang buong araw. Once a day lang ako nag-ch-charge. Heavy phone user pa ako sa lagay na ‘yan. Bago matulog, nasa 30% pa ang battery ko. Pampatulog ko ang YouTube videos, so from 12 AM to 4 AM, naka-AirPods lang ako habang nagpe-play ang YouTube (naka-Premium ako, so nakapatay ang screen while the videos are playing); at kapag ginising na ako ng mga pusa at 4 AM for their breakfast, saka ko lang i-ch-charge ang phone ko. Sakto pagkagising ko, low batt na ang phone.

The Weight. 🏋️ Tatlong taon kong tiniis ang bigat ng 12 Pro Max. Nalalagay siya sa bulsa ng pantalon, pero umbok kung umbok at hindi komportable ang bigat. Since ma-YouTube nga ako, nakakangalay sa kamay to the max ang 12 Pro Max. Itong iPhone 15 Plus, ang gaan! Aluminum kasi ang frame — ‘di tulad ng mabigat na stainless steel frame sa 12 Pro Max. And first time ko ulit makaranas ng teleponong masarap hawakan at ibulsa. Mas masaya siyang gamitin kasi ang gaan!

The USB-C Connector. 🔌 Habang nagkakape kami ni Christopher pagkakuha namin ng 15 Plus, na-low batt ang 12 Pro Max ko. No’ng i-ch-charge ko na, napansin kong pa-low batt na rin pala ang dala naming battery pack (power bank). Lightning to USB-C cable ang dala namin, so ang ginawa ko, kinonek ko ‘yong 12 Pro Max ko sa 15 Plus. Sa madaling salita, ginawa kong power bank ‘yong 15 Plus. Isa sa napakaraming patunay kung bakit the best pa rin ang USB-C. Salamat, EU.

The Look. 💝 Binago na ng Apple ang likod ng non-Pro iPhones this year. Yung dating fingerprint magnet na glass, ginawa na nilang matte finish back glass na hindi kapitin ng fingerprints. I am someone na hindi usually gumagamit ng phone case kapag nasa bahay, kaya importante sa akin ang kulay at texture ng telepono (kasi ninanamnam ko talaga ang itsura ng telephone ko kapag wala akong ginagawang work, kaya importanteng “eye candy” ang phone na pipiliin ko). This year, napakaganda ng pink iPhone! Ang sarap-sarap sa mata! Nakakabawas ng stress. Bina-bash palagi ang Apple kapag may inilulunsad silang mga produktong “wala namang masyadong bago” maliban sa kulay, pero hindi naiintindihan ng mga taong ito ang psychological effect ng magandang kulay sa telepono. Ang maipapayo ko lang pagdating sa pagpili ng kulay ng telepono ay sundin mo ang gusto ng puso mo, at huwag mong alalahanin ang sasabihin ng iba kasi ikaw naman ang gagamit ng phone. Though, prangkahan na, kapag sa Globe ka kukuha, kung ano lang talaga ang meron sila. Hahaha! Nagkataon lang na may pink iPhone 15 Plus pa no’ng pumunta kami.

The Dynamic Island. 🏝️ The thing about the Notch and the Dynamic Island is that you easily forget that they’re there. Akala ko no’ng una, madi-distract ako sa Dynamic Island. Pero hindi. And ang fun niyang tingnan sa mga pagkakataong mano-notice mo ang presence at functions niya. Ang ayoko lang sa Dynamic Island is, since mas mababa ang placement niya sa screen kumpara sa Notch ng old iPhone models, the cutout can be quite distracting kapag nanonood ng 18:9 videos on YouTube. Pero hindi sapat na dahilan ‘yon para hindi siya mahalin, yakapin, at patuluyin sa buhay mo nang buong puso at kaluluwa. Hahaha!

💬 PINAGSISISIHAN KO BANG HINDI AKO NAG-PRO iPHONE THIS YEAR? No. 🤣 Kung may isang bagay na mag-e-encapsulate ng thoughts ko about this iPhone, it’s the fact that this phone is so much fun to use! And at the end of the day. ‘yon naman talaga ang mahalaga — ang piliin mo ang phone na alam mong magpapasaya sa’yo at hindi lang sa mga taong pagpapakitaan mo nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post