Lent Reflection 2024: Get up to something instead of giving something up this Lent

For Global MCC


Inherently, ang Lent o Kuwaresma ay tungkol sa pagbabago, o “pagpapanibabong-hubog” or “transformation.” May mga tradisyon ang Kuwaresma na magpapatunay nito.


Isa na rito ang “repentance” o “pagsisisi,” kung saan sinasabihan tayo, especially ng conservative Churches na kinagisnan natin, na kailangan nating magsisi sa kung anu-anong mga pagkakasala—ilan doon, lalo na ‘yong may mga kinalaman sa ating kasarian o sekswalidad, ay ngayon lang natin napagtatantong hindi naman pala talaga kasalanan.


Pangalawa is “fasting” o “pag-aayuno,” kung saan may mga pagkain o inumin tayong isusuko para mabago at patatagin ang ating spiritual perspective para mas mapalapit tayo sa Diyos.


Though these traditions are not entirely bad, ang mga ito ang madalas na nagiging dahilan kung bakit hindi nagiging buo ang ating transformation—lalo na sa mga taong gumagawa pa rin ng mga intensyunal na pagkakamali dahil pwede naman nilang idaan na lang sa pagsisisi at pag-aayuno ang consequences ng mga aksyon nila.


Transformation encompasses total change. Before one fully emerges as a butterfly, it's imperative to shed every vestige of being a caterpillar. So, paano ka ba magiging isang ganap na paru-paro?


Transformation isn't solely about giving up. At times, it’s also about getting up to something that involves proactive engagement. It’s also about having an intentional purpose. Ika nga nila, “Para kanino ka bumabangon?”


Getting up often involves not just stepping up but also knowing when to step down or take a humble approach. It's about recognizing that true growth sometimes means coming down from a position of authority or comfort. Ito ay nagpapahiwatig ng pagiging handang magpakumbaba at makipag-ugnayan sa iba nang mas malalim, lalo na sa kanilang mga nasa laylayan ng lipunan at sa LGBTQIA+ individuals na naniniwala pa ring ang kanilang pagkakakilanlan ay isang pagkakasala sa Panginoon.


Personal transformation is indispensable. It's ingrained in MCC’s mission statement — “Transforming ourselves as we transform the world.” Drawing inspiration from the timeless wisdom of Mama Ru, I’ll end by saying, “If you can't transform yourself, how in the world are you gonna transform somebody else?”


Can I get an amen?

Post a Comment

Previous Post Next Post