Refresh the page for updates.
Trump: 267
Harris: 244
NALILITO SA SISTEMA NG BILANGAN NG BOTO SA AMERIKA? Ganito sila roon:
1. Ang U.S. presidential election ay isang “indirect election.” Ang mga miyembro ng tinaguriang U.S. Electoral College (EC) ang nag-e-elect ng susunod na magiging presidente. So, basically, kapag registered voter ka sa U.S., you’re really voting for the EC elector at hindi directly for your chosen presidential candidate.
2. Currently, may 538 electors sa U.S. At kailangan ng presidential candidate ng absolute majority vote para manalo. So, that’s 538/2=269, and 269+1=270 (kaya “Race to 270” ang tawag).
3. Saan nanggaling ang 538? That’s based on 100 senators and 435 state representatives, plus 3 electors for Washington D.C.
4. Ang tinatawag na POPULAR VOTE ay ang kabuuang bilang ng mga boto mula sa registered voters sa buong Amerika. Kung sino ang nanalo sa POPULAR VOTE sa isang state or sa D.C., siya DAPAT ang i-elect ng EC elector para sa pagkapresidente. Kung hindi, tatawagin ang EC elector na FAITHLESS ELECTOR. So, halimbawa, may 55 electoral votes ang isang state. Kapag nanalo si Biden sa popular vote, mapupunta sa kanya lahat ang 55 electoral votes na ‘yon. Ang tawag dito ay WINNER-TAKE-ALL METHOD. So, kung may 55 electoral votes na siya, kailangan niya pa ng 215 votes para maabot ang required 270 para maging presidente.
5. Ang winner-take-all method ay umiiral sa halos lahat ng states (at sa D.C.) maliban sa MAINE at NEBRASKA.
6. May mga pagkakataon ding nananalo ang kandidato sa POPULAR VOTE, pero natatalo pagdating sa ELECTORAL VOTE — tulad ni Al Gore noong 2000 at Hillary Clinton noong 2016. BAKIT? Halimbawa, ang daming bumoto sa’yo sa isang state na ang konti ng assigned electoral votes. Sa ganitong mga pagkakataon mas lumalakas ang panawagang buwagin na ang U.S. Electoral College.